Skip to Content

Akala Nila, Mayaman Ako

August 9, 2026 by
Akala Nila, Mayaman Ako
Ronnel Marcos

Kapag nakikita nila ang studio, ang team, ang malalaking pangalan ng kliyente — 7-Eleven, Pioneer, Peak Sport, Tough Mama — agad ang hatol: “Swerte. Mayaman na ‘to.”

Kung alam lang nila.

Kung alam lang nila na ‘yung “malaking client” na ‘yon ay hindi automatic na malaking pera. Minsan Mas malaki pa ung nagastos at delay na bayad. Samantalang ang sahod ng team, ang renta, ang kuryente, ang bilihin — buwan-buwan ‘yan. Hindi nagtatagal. Hindi naghihintay.

Kung alam lang nila na madalas, ako pa rin ang nagtatakip sa mga butas. ‘Yung tinatawag nilang “negosyo ni Boss”… minsan, sarili kong ipon na ang pumapasok para lang hindi huminto ang lahat. Salary, opex, mga onting kulang — ako ang huling linya. Walang nakakakita noon. Ang nakikita lang nila ay ‘yung sasakyan, ‘yung studio, ‘yung mga Post sa social media.

Simula 2022, mag-isa akong nagsimula. Isa lang. Camera, editor, biyahero, sales, accounting — lahat ako. Ngayon, 14 na kami. Mahigit 100 brands na ang naging kasama. Pero ‘yung bigat? Hindi nawala. Nagbago lang ng anyo. Dati, ako lang ang nagtatanong sa gabi kung paano kikita. Ngayon, ako pa rin ang nagtatanong… kasama na ang tanong kung sapat ba ang kinikita para sa lahat ng umaasa sa akin.

Hindi ako nagrereklamo. Mahal ko ‘to. Ito ang pinili ko, at pipiliin ko pa rin.

Gusto ko lang sabihin sa mga tumitingin mula sa labas: hindi ganoon kasimple. May likod ang bawat “successful” na larawan. At doon, sa likod, madalas nakatayo ang totoong pagod, ang tahimik na pag-aalala, at ang dedikasyon na hindi nakikita.

Kaya sa susunod, bago mo husgahan ang isang tao base lang sa nakikita mo… tandaan mo. Marami sa amin ang parang gansa sa tubig. Kalmado sa ibabaw. Pero sa ilalim, kumakaway nang buong-buo.

Hindi Lahat ng Bayani Nasa Harap ng Kamera