Tambay lang daw ako sa office
Ni Pareng Bong — Founder, Pixelloop Kreative Advertising Inc.
May narinig akong biro sa office last month. Hindi naman sa akin diretso, pero narinig ko pa rin. "Si boss, dadaan lang, tatambay, matutulog at uuwi na."
Tumawa ako. Tapos umupo ako sa kotse at hindi ko na-start agad yung makina for like five minutes.
Kasi hindi naman sila mali sa nakikita nila. Dumadaan nga ako. Kinakausap ko yung client at uuwi . Ganon lang talaga yung hitsura from the outside.
Ang hindi nila nakita, yung three months bago mangyari yun.
Yung hindi nakikita
Yung two-day shoot na nakita nila? May ilang months na kasaysayan yan bago pa may project silang need matrabaho.
Cold email na hindi sinagot. Follow-up na hindi rin sinagot. Pitch deck na binago ng ng ilang beses kasi nag-iba ng isip yung brand manager. Meeting sa online sa BGC na inabot ako ng dalawang oras sa traffic para lang sabihan ako ng "we'll circle back next quarter."
Tapos pag pumasok na yung project, may isa pang linya sa contract na hindi nila nakikita: 30-60 days payment terms. Ibig sabihin, tapos na yung trabaho ngayong June, pero darating yung pera ng August pa.
Pero yung sahod? Every 15th and 30th. Walang terms yun. Walang extension.
Kaya pag nakikita ninyo akong kalmado sa shoot or office, hindi ibig sabihin okay lahat. Ibig sabihin lang, natuto akong huwag ipakita.
Yung math ng 3AM
May mga gabi na gising ako at kinukwenta ko yung parehong numero paulit-ulit, parang may magbabago kung uulitin ko.
Payroll ng labing-apat na tao. Studio rent. Kuryente na tumataas pag may shoot. Internet.. Amortization ng equipment na binili ko noong maganda yung taon kasi akala ko tuloy-tuloy na. Software subscriptions na kailangan para maka-deliver kami ng maayos.
Ang problema, hindi numbers yung nasa isip ko. Names.
Kasi alam ko kung sino yung may mga need at inaasahan ung sahod Alam ko kung sino yung may mga need bayarab Alam ko kung sino yung umuupa dito sa Las Piñas na umaasa na sa 15th may darating.
Nung Q1 this year, may mga buwan na wala talagang pumasok na client. Apat ang umalis sa team. Naintindihan ko naman sila, honestly. Kung ako yung nasa position nila, baka umalis din ako. Pero hindi ko masasabi sa inyo kung paano ako nakatulog nung mga gabing yun, kasi hindi naman ako natutulog.
Hindi ito reklamo
Let me be clear ha. Hindi ko sinisisi yung team ko.
Trabaho nila yung magandang output, at binibigay naman nila yun. Trabaho ko yung siguraduhin na may sahod sila kahit hindi pa nagbabayad yung client or walang client. Pinili ko yung trabahong to noong 2020. Walang pumilit sa akin.
At hindi rin ako humihingi ng awa. Hindi ko sinusulat to para may maiyak.
Pero minsan, gusto ko lang malaman ninyo.
Na yung "dumaan lang si boss" ay dulo ng isang linggong hindi walang tulog nang maayos. Na pag nag dagdag ako ng bagong lens o bagong light, hindi yun dahil sagana, kundi kasi kinalkula ko na kaya nating bawiin sa next three projects kung sswertehin tayo.
Yung pinakamahirap sa pagiging owner, hindi yung pera. Yung katahimikan.
Kasi walang mapagsabihan. Hindi mo pwedeng dalhin yung panic sa loob ng office. Kasi pag natakot ka, matatakot silang lahat.
Kaya ngumingiti ako tuwing nsa studio ako, tinatanong ko kung kumain na sila, tapos aalis ako na parang walang problema.
Pero sa loob loob ko sana ako din nakakain na at walang problema
Isa yun sa mga bagay na hindi nakalagay sa job description.
Bong,
Pixelloop Kreative Advertising Inc.